PBBM ibabangon mga maliliit na negosyo

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makakaasa ng suporta mula sa kanyang administrasyon ang sektor ng micro, small and medium enterprises o MSME sa bansa.

Sa kanyang pagdalo sa MSME Summit 2022 na ginanap sa Manila Hotel, kinilala ng pangulo ang mahalagang papel ng malalaki at maliliit na negosyo bilang partner ng gobyerno sa pagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino.

Binigyang-diin nito na ang pagsigla ng mga negosyo ay susi para sumigla rin ang ekonomiya ng buong bansa.

Naging mahirap aniya ang negosyo sa nakalipas na dalawang taon dahil sa COVID-19 pandemya subalit ipinakita ng mga MSME ang katatagan at muling bumangon para tumulong na patatagin ang ekonomiya ng bansa.

Dumalo rin sa MSME summit si United States Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson at mga kilalang negosyante sa bansa. (Aileen Taliping/Prince Golez)

The post PBBM ibabangon mga maliliit na negosyo first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments