CDO congressman pinalagan P22B tapyas-budget sa Mindanao

Pinababalik ng isang mambabatas ang tinapyas na P22 bilyon para sa Mindanao na nakapaloob sa ilalim ng panukalang P5.268 trillion budget sa 2023.

Sa pagsisimula kahapon ng deliberasyon ng Kamara sa panukalang budget, kinuwestiyon ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez ang pagtapyas ng inilaang pondo para sa Mindanao, na mula sa kasalukuyang P650 bilyon, ay ibinaba sa P628 bilyon.

“Mindanao is left behind again! I am calling on all House members from our island to join us in working for the return of P22 billion to our constituents. That’s the least we can do, maintain the 2022 level, if we cannot increase it,” giit ni Rodriguez.

Naniniwala si Rodriguez na nararapat lamang na bigyan ng sapat na pondo ang Mindanao, bilang pangalawa sa pinakamalaking isla sa Pilipinas at batay na rin sa 2020 census, mayroon itong kabuuang 26.3 milyong residente o 24 porsiyento sa populasyon na bansa na 109.6 milyon.

Umaasa si Rodriquez na makiisa sa kanyang hiling ang mga kasamahan niyang mambabatas mula sa Mindanao tulad nina Senate President Juan Miguel Zubiri na mula Bukidnon, Sen. Aquilino Pimentel III ng Cagayan de Oro, at Sen. Robin Padilla, isang Muslim convert. (Eralyn Prado/Billy Begas)

The post CDO congressman pinalagan P22B tapyas-budget sa Mindanao first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments