PH, US defense treaty ‘di mapuputol – Marcos

Magpapatuloy ang mutual defense treaty sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.

Ito ang tiniyak ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. kay United States Secretary of State Antony Blinken sa ginawang courtesy call ng US official sa Malacañang kahapon, August 6, 2022.

Bahagyang nabanggit ng pangulo ang usapin sa mutual defense treaty sa kanilang pag-uusap at tiniyak na magpapatuloy ito sa pagitan ng dalawang bansa.

“The mutual defense treaty is in constant evolution, I’d like to think of it. And the other way, the United States,” anang pangulo.

Matatandaang muntik ng putulin ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang tratado matapos mainis sa Amerika noong panahon ng kanyang termino.

Ikinalugod naman ni Blinken ang naging pahayag ng pangulo at tiniyak na “committed” ang kanilang gobyerno sa mga nakapaloob na probisyon ng tratado.

Tiniyak naman ng US Official sa presidente na bukas ang Amerika na makipagtulungan sa Pilipinas sa mga makakaharap na pagsubok.

Pinuri ni Blinken ang gobyerno dahil sa pakikipagtulungan sa pagharap sa mga pagsubok sa ASEAN region gayundin sa pandaigdigang mga suliranin gaya ng paglaban at pagtugon sa epekto ng COVID-19 pandemic. (Aileen Taliping)

The post PH, US defense treaty ‘di mapuputol – Marcos first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments