Itinulak ng isang grupo ng mga mambabatas sa pangunguna ni presidential son and House Senior Deputy Majority Leader Sandro Marcos ang pagpapatupad ng Toll Interoperability Project upang isang RIFD na lamang ang kailanganin ng mga motorista para sa lahat ng expressway.
Sa House Resolution 159, hiniling nina Marcos, at Representatives Eric Martinez (Valenzuela), Dean Asistio (Caloocan City), Edwin Olivarez (Parañaque City), Ramon ‘Jolo’ Revilla III (Cavite) and Oscar Malapitan (Caloocan City) sa Department of Transportation (DOTr) na ipatupad na ang Phase 2 at 3 ng programa.
Noon pang 2017 inilunsad ng DOTr ang Interoperability project. Taong 2020 naman iniutos ng DOTr ang pagpapatupad ng mandatory cashless transaction sa mga toll gate. (Billy Begas)
The post 1 RFID sa lahat ng expressway tinulak first appeared on Abante Tonite.
0 Comments