Sharon tumaya ng lotto sa Tate

NI: BETH GELENA

Naglakas-loob si Sharon Cuneta na pumunta ng US Lotto outlet para personal na makapili nang gusto niyang numerong tatayaan sa lotto.

Hindi agad siya nakabalik ng Pinas dahil right after ng concert nila ni Regine Velasquez ay bumigay na ang kanyang katawang lupa.

Nagbigay siya ng update sa kanyang Instagram account hinggil sa kanyang kalagayan.

“Was still feeling a bit weak – til now am not feeling 100% yet – but it was really nice being able to take a walk! Weather was nice.”

“And I bought a Lotto ticket for the first time ever ako ang nagpunta sa store at pumili ng numbers,” dagdag pa ni Mega.

Dalawa raw ang popular lottery draws sa United States, namely, Mega Millions and Powerball.

Naku, saan man tumaya si Shawie sana manalo siya.

Komento naman ng isang netizen, “super rich na si Mega gusto pa ring yumaman nang husto.”

The post Sharon tumaya ng lotto sa Tate first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments