Sikyo dedbol sa trak

Patay ang isang security guard nang mabangga sa likurang bahagi ang minamanehong motorsiklo ng isang trailer truck sa Mel Lopez Boulevard, Tondo, Maynila nitong Sabado nang madaling-araw.

Hindi na naisalba pa habang ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Clarence Arteta y Cruz, 44-anyos, nakatira sa Baesa, Caloocan City.

Sa imbestigasyon ng Manila District Traffic Enforcement Unit, naganap ang insidente dakong alas-2:05 nang madaling-araw.

Nakilala naman ang nagmamaneho ng trailer truck na si Felix Concepcion, 57-anyos, taga-Laguna.

Sa lakas ng pagkakasalpok sa motorsiklo ay nabuwal ang motorsiklo kasama ang biktima na nagtamo ng mga sugat sa katawan.

Bandang alas-3:12 nang madaling-araw nang dineklarang patay na ang biktima.

Nasa kustodiya naman ng mga awtoridad si ang drayber na si Concepcion na mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide sa Manila Prosecutors’ Office. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Sikyo dedbol sa trak first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments