Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad sa Quezon City ang isang senior citizen na no. 5 most wanted person sa Abra dahil sa arrest warrant laban sa kanya para sa kasong rape kamakailan.
Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) director Brig. Gen. Nicolas Torre III ang nasakoteng akusado na si Ernesto Sequerra, 72-anyos, residente ng Brgy. Damayan sa nasabing lungsod.
Nabatid na naaresto si Seguerra ng pinagsanib na puwersa ng Cubao Police Station 7 at Abra police bandang alas-7:53 ng umaga noong Agosto 18 malapit sa panulukan ng 14th Avenue sakop ng Brgy. Socorro.
May arrest warrant umano laban kay Seguerra para sa kasong rape na inisyu ni Judge Corpus B. Alzate ng Regional Trial Court Branch 2 sa Bangued.
Aabisuhan naman ang korte sa Abra kaugnay sa pagkakadakip sa suspek.
“Crimes against persons like rape have no place in Quezon City. Thus, the QCPD strengthens its force in ensuring public safety through a more intensive service of warrants of arrest against those criminals who have long been hiding in the law,” pahayag pa ng QCPD chief. (Dolly Cabreza)
The post Matulis na tanders swak sa rape first appeared on Abante Tonite.
0 Comments