2 eroplano nagsalpukan sa ere, 3 dedbol

Nagsalpukan sa ere at kapwa bumagsak ang dalawang eroplano na ikinasawi ng tatlo katao nitong Sabado.

Ayon sa ulat sa Denver Post, nangyari ang insidente kamakalawa ng umaga sa Boulder County, Colorado, United States.

Bumagsak ang isang eroplano malapit sa Niwot Road kung saan dalawang sakay nito ang nasawi.

Natagpuan naman ang ikalawang eroplano sa Niwot Road, kung saan namatay naman ang piloto nito.

Ayon sa mga imbestigador ng National Transportation Safety Board, isang Cessna 172 at isang Sonex Xenos ang mga bumagsak na eroplano.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon upang matukoy ang dahilan ng pag-crash ng mga nasabing eroplano at pagkakakilanlan ng mga biktima. (IS)

The post 2 eroplano nagsalpukan sa ere, 3 dedbol first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments