P176M Grand Lotto jackpot mailap

Wala pa ring nakakadale ng winning combination para sa Grand Lotto 6/55 jackpot prize na umabot na sa P176,260,573.60 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na binola Sabado ng gabi.

Ang masuwerte sanang winning combination na 20-06-29-18-52-44 ay naging mailap sa mga mananaya habang mayroon namang 20 bettors ang nanalo ng 2nd prize na nagkakahalaga ng P100,000. Nasa 1,264 mananaya ang nanalo ng P1,500 at nasa 30,064 bettors ang nanalo ng P60.00.

Matatandaang ang Grand Lotto 6/55 jackpot ay napanalunan noong July 9 ng nag-iisang mananaya na taga-iloilo City na nag-uwi ng P401,186,804.80.

Samantala, wala ring nanalo ng jackpot prize ng Lotto 6/42 na nagkakahalaga ng P5,940,000 na may winning combination na 10-09-03-30-38-32 habang may 25 mananaya ang nanalo ng P24,000.00, nasa 1,237 players ang nanalo ng tig-P800.00 at 22,777 bettors ang nanalo ng P20.00 o palit taya. (Vick Aquino)

The post P176M Grand Lotto jackpot mailap first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments