38 bomba nakumpiska sa terorista

Tatlumpu’t walong improvised explosive device (IED) ang narekober ng mga awtoridad sa Northern Samar.

Ang mga narekober na bomba ay galing umano sa teroristang grupo na Communist Terrorist Group (CTG).

Nasamsam ang 38 IED matapos ang nangyaring engkwentro sa Brgy. Senonogan de Tubang, Silvino Lubos, Northern Samar.
Nadiskubre ito ng mga sundalo ng 3rd Infantry Battalion (3IB) sa nasabing lugar na pinaniniwalaang kampo ng mga terorista. (CS)

The post 38 bomba nakumpiska sa terorista first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments