Claudine naawa kay Julia

NI: VINIA VIVAR

Namagitan na si Claudine Barretto sa away ng mag-amang Julia Barretto at Dennis Padilla. Tila hindi na kinaya ng aktres ang mga naging pahayag ng kanyang dating bayaw kaya naman nanawagan na siya’t nakiusap dito.

Nag-post sa kanyang Instagram page si Claudine ng larawan ni Dennis at sa caption ay sinabihan niya ito na tumigil na at maawa sa kanyang mga pamangkin.

“@dennisastig Kuya Tama na! Tumigil ka na pls! Sumusobra ka na! Maawa ka sa mga Bata.pls stop! Mag usap tayo,” ang mensahe ni Claudine kay Dennis.

Ang nasabing post ni Claudine ay deleted na ngayon pero nakunan na rin ito ng screenshots ng mga netizens at ibang showbiz sites.

Matatandaang nagsimula na naman ang issue sa pagitan ng mag-ama nang magpa-interview si Julia kay Karen Davila at magbigay ng mga pahayag kay Dennis.

Hindi ito nagustuhan ni Dennis at umalma siya sa mga sinabi ni Julia sa pamamagitan ng sunod-sunod na post sa kanyang IG na kaagad din naman niyang binura.

The post Claudine naawa kay Julia first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments