Con-Con itinulak sa Charter Change

Pormal nang inihain sa Kamara ang panukala para sa pagpapatawag ng Constitutional Convention (Con-Con) bilang paraan sa pag-amyenda ng 1987 Constitution o kilala sa tawag na Charter Change.

Nakapaloob sa House Bill No. 4926 o Constitutional Convention Act na inihain ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte na ang mga magiging miyembro ng Con-Con ay maaring ihalal kasabay ng Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Disyembre 2023 o midterm elections tatlong taon mula ngayon.

Naniniwala si Villafuerte na kailangan nang maisulong ang Cha-Cha dahil naging haldang umano ito sa pag-usad ng bansa.

Sa kanyang panukala, tinawag niya ang pagtatayo ng Con-con bilang “most transparent and trustworthy” kumpara sa Constituent Assembly (Con-Ass) o People’s Initiative. (Eralyn Prado/Billy Begas)

The post Con-Con itinulak sa Charter Change first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments