Lolong waging Best Primetime Serye

Patuloy sa pag-ani ng tagumpay ang Kapuso adventure-serye na ‘Lolong.’ Pinagbibidahan ito ni Ruru Madrid.

Kamakailan ay kinilala ang programa bilang ‘Best Primetime Serye’ sa Gawad Pilipino 2022 Icon Awards. Ito ang kauna-unahang award na na nakuha ng top-rating na show na kinabibilangan din nina Shaira Diaz, Arra San Agustin, Christopher de Leon, Jean Garcia, Rochelle Pangilinan, at Paul Salas.

Nagbubunga na nga ang hard work at dedication ng cast at production team. Bukod sa pamamayagpag nito sa ratings, heto nga’t wagi na ito bilang Best Primetime Serye.

Pawang magaganda rin ang feedback na nakukuha ng ‘Lolong’ tungkol sa husay ng mga cast at ganda ng kuwento ng show.

Wala yatang episode na walang paandar ang serye.

Ito ngang mga susunod na tagpo ay dapat talagang abangan. Kung kelan kasi nagkakamabutihan na sina Lolong (Ruru) at Elsie (Shaira), gagawa na naman ng gulo itong si Martin (Paul). Naku, paano na kaya haharapin ni Lolong ang mga Banson gayong nalaman na ni Armando (Christopher) na maaaring maging isang Atubaw ang isang tao kapag nasalinan siya ng dugo mula sa punong buwaya?

Ivana ayaw pagtaksilan si Joshua

Sakalam talaga si Joshua Garcia. Hindi siya kayang ipagpalit ni Ivana Alawi. Ito pa rin ang celebrity crush niya at ayaw niyang ‘pagtaksilan’.

“Ako, loyal ako, Joshua Garcia! Kayo? Sagot!,” deklara ni Ivana sa kanyang vlog kaharap ang mga kapatid na sina Mona, Amira at Hash.

Winner talaga si Joshua,no?!

The post Lolong waging Best Primetime Serye first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments