May sapat na suplay ng mga karneng baboy at manok sa bansa ngayong taon, ayon kay Department of Agriculture (DA) Senior Undersecretary Domingo Panganiban kahapon.
“Sa karneng baboy, inaasahan na mas mataas ang produksyon sa katapusan ng taon kung ikukumpara sa 2021. Sa aming pagtataya, hindi magkakaroon ng kakulangan sa karneng baboy ngayong holiday season,” sabi ni Panganiban sa Laging Handa briefing.
Aniya, may surplus pa ng karneng manok ngayong quarter at sa 4th quarter ng taon. Ito ang pinakamataas aniyang surplus ng manok na aabot sa 180,884 metriko tonelada sa third quarter at 181,843 metriko tonelada sa fourth quarter na sapat para sa 40 araw.
Hinihiling ng mga importer na ibaba ang taripa sa baboy para bumaba ang presyo nito ngunit hindi pa umaabot ang usapan sa Tariff Commission. (Eileen Mencias/Dolly Cabreza)
The post DA siniguro suplay ng baboy, manok first appeared on Abante Tonite.
0 Comments