Iskul bawal tambayan ng mga bakwit – VP Sara

Hanggang 15 araw lamang maaaring gamitin ang mga paaralan bilang evacuation center.

Sinabi ito ni Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte nang dumalo sa deliberasyon ng Senate committee on finance ukol sa panukalang budget ng ahensiya kung saan tinanong siya ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda.

Ayon kay Duterte, naglabas siya ng department order kamakailan lamang sa lahat ng field office ng DepEd na nagsasaad na hindi dapat payagang gamitin bilang evacuation cente ang mga pampublikong eskuwelahan ng lagpas na sa 15 araw.

Napag-usapan na rin aniya nila ito ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos para kausapin nito ang mga lokal na opisyal upang maipahayag ang nais mangyari ng DepEd.

The post Iskul bawal tambayan ng mga bakwit – VP Sara first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments