Guwardiya tumiba ng P280M kakasuhan sa Sandiganbayan

Inihahanda ng Office of the Ombudsman ang pagsasampa ng kaso laban sa isang government employee na natuklasang mayroong P280 milyon ipon sa bangko ayon kay Ombudsman Samuel Martires sa Senate Committee on Finance budget hearing.

Binanggit ni Martires ang kuwento sa sikyo na isang government employee at misis nito na kapwa may milyones na deposito sa bangko nang kanyang talakayin ang korapsyon sa gobyerno sa presentation sa P4.781 bilyon panukalang budget sa 2023 ng pinamumunuan ng tanggapan.

“Kayo po ba ay maniniwala na merong isang empleyado na ang kanyang item ay security guard. At ang kanyang deposito sa bank ay P280 million for the past 21 years,” ani Martires.

“At ang kanyang asawa for the past eight years o may deposito sa bank na P179 million? Security guard lang po ‘yung asawa,” dagdag nito.

Nang usisain kung anong ahensya ng gobyerno ang kanyang tinutukoy ay sinabi nitong isasampa pa lamang nila ang kaso laban sa milyonaryong sikyo. “‘Yung kaso po na ‘yan ay ipa-file pa lang po namin sa Sandiganbayan.”

The post Guwardiya tumiba ng P280M kakasuhan sa Sandiganbayan first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments