Lipat OVP opisina dinepensa

Dumipensa ang Office of the Vice President (OVP) sa paglipat ng lokasyon ng tanggapan nito sa Mandaluyong mula sa dati nitong opisina sa Quezon City.

Sa isang video statement, nilinaw ni OVP spokesperson Atty. Reynold Munsayac na dalawa ang lokasyon ng opisina ng OVP, isa sa Quezon City Reception House sa New Manila at ang isa ay ang Benlor Building sa Quezon City kung saan nagtatrabaho ang mga empleyado.

Dahil masikip at siksikan umano ang mga empleyado sa Benlor Building, minabuti ng bagong administrasyon na maghanap ng bagong lokasyon kung saan lahat ng empleyado at opisyal ay sama-sama sa ilalim ng iisang bubong at sa pamamgitan nito mas magiging efficient ang mga empleyado.

Dahil dito, giit ni Munsayac na hindi luho ang paglipat ng lokasyon ng OVP.

Nilinaw ni Munsayac na ang Quezon City Reception House ay hindi libre. (Eralyn Prado)

The post Lipat OVP opisina dinepensa first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments