Misis naki-live in sa lover pinadampot

INARESTO ang isang ginang at kinakasama nito matapos ireklamo ng kanyang mister nang malaman na nagsasama na sila sa isang bubong sa Alfonso, Cavite Huwebes ng madaling araw.

Personal na dumulog sa pulisya ang biktimang si Virgilio Ventura at inireklamo ang kanyang asawa na si Perla at kinakasama nitong si Siemon Dimapilis, pawang nasa wastong edad.

Sa report, nagtungo ang biktima sa pulisya upang ireklamo ang kanyang asawa nang matuklasan na nakatira na ang kanyang misis kay Dimapilis.

Bilang patunay, dala nito ang kanilang marriage contract na siyang patunay na asawa nito si Perla, dahilan upang rumesponde ang pulisya at barangay na nakakasakop sa lugar at inaresto ang dalawa sa kasong adultery at concubinage sa bahay ng lalaki sa Brgy Bilog, Alfonso, Cavite dakong ala-1:30 kahapon ng madaling araw. (Gene Adsuara)

The post Misis naki-live in sa lover pinadampot first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments