Suspendido ang pagpapatupad ng number coding scheme ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ngayong Lunes, Setyembre 26, dahil sa pananalasa ng super typhoon Karding.
Sa isang abiso, sinabi ng MMDA na hindi muna epektibo ang number coding ngayong araw para mabigyan ng pagkakataon ang mga sangay ng pamahalaan at iba’t ibang grupo na makapaghatid ng tulong sa mga apektado ng bagyo.
Sa direktiba ni MMDA acting chairman Carlo Dimayuga III, papayagan ang lahat ng sasakyan na gumamit sa mga kalsada sa Metro Manila para hindi maantala ang serbisyo sa mga apektado ng super typhoon.
The post MMDA sinuspinde number coding first appeared on Abante Tonite.
0 Comments