Pinaniniwalaang sinapian ng masamang espiritu ang pitong mag-aaral sa Carcar Central National High School sa Cebu matapos ang mga itong malipasan ng gutom nitong Biyernes ng gabi.
Ayon kay Police Lt. Col. Ardiolito Cabagnot, hepe ng Carcar Police Station, sa kanilang imbestigasyon ay posibleng sinapian ang mga estudyante dahil hindi nila naiintindihan ang naging wika ng mga bata kung saan tila Latin anila ang binibigkas ng mga ito.
Hindi umano aniya pangkaraniwan ang ginagawa o taglay ng mga estudyante nang makitang tila wala sa kanilang mga sariling katinuan dahil maging ang mismong mga kamag-anak nila ay hindi nakikilala.
Dahil dito ay nagpasya namang tumawag ng faith healer at pinapunta ang isang sinasabing eksperto sa exorcism saka ipinagdasal ang mga mag-aaral.
Sa kasalukuyan ay nasa maayos nang kalagayan ang mga estudyante habang inalagaan ng pulisya at mga guro ng nasabing paaralan.
Samantala, sinabi naman ng isang doktor ng ospital kung saan dinala ang mga estudyante na hindi siya naniniwala na sinapian ang mga ito ng masamang espiritu, at ang hinala umano niya ay nalipasan lamang ang mga bata ng gutom. (Dolly Cabreza)
The post Nalipasan ng gutom, 7 estudyante sinapian first appeared on Abante Tonite.
0 Comments