Naulila sa Taguig shooting may tig-P500K

Aabutan ni Senador Raffy Tulfo ng P500,000 tulong pinansiyal bawat isa ang naulila ng tatlong pamilyang biktima ng pamamaril sa Taguig City nitong Agosto 21 kung saan isa dito ay overseas Filipino worker (OFW).

Ito’y matapos na sumuko ang suspek na si Julian Paningbatan Jr., dating Philippine Navy officer, sa kanyang tanggapan sa kamakalawa.

Tiniyak naman ni Tulfo sa suspek na tratatuhin siya ng maayos bagamat hindi umano kailanman mabibigyan ng katuwiran ang ginawang krimen.

“Makakaasa po kayo na tututukan namin ang kasong ito para siguradong gugulong ang hustisya at magiging maayos ang takbo ng kaso sa korte,”ayon sa pahayag ni Tulfo.

Kinumpirma ng pulis na may apat na outstanding warrants of arrest si Paningbatan na inisyu ng Manila at Pasay dahil sa kasong robbery with violence at carnapping.

Inamin ni Paningbatan ang pamamaril sa dating kasintahan na si Angelica Belina, 25, isang OFW Calapan, Oriental Mindoro. Gayundin sa food delivery rider na si Mark Ian Desquitado, 35, ng Barangay Fort Bonifacio, Taguig; at Tashane Joshua Branzuela, 22, estudyante.

Dead on the spot sina Belina at Desquitado habang si Branzuela ay dead on arrival sa ospital. (Eralyn Prado)

The post Naulila sa Taguig shooting may tig-P500K first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments