Estudyante kinuyog ng 5

Dalawang estudyante at tatlo pa nilang kasapakat ang dinampot matapos nilang kuyugin ang kapwa nila estudyante kamakalawa ng hatinggabi sa Sta. Ana, Maynila.

Kabilang sa mga inaresto nina PCpl Glenn Caslangen at PCpl Gerson Dela Peña, ng Dagonoy PCP sina Patrick James Evangelista, 22; Aljun Evangelista, 20, kapwa estudyanye at J.P. Rizal St., Brgy. Tejeros, Makati City; at tatlo pang John Does.

Dinala naman sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Emmanuel Bondad, 19, taga-Sta. Rosa Hills Subd., Puting Kahoy, Silang, Cavite.

Naganap umano ang insidente sa may Tejeron St., corner Dela Rosa St. Sta. Ana, Maynila.

Sa inisyal na imbestigasyon, kumain umano ang biktima sa may Antipolo St. at pagÄ·atapos kumain ay sumakay na ang biktima sa kotse katabi ng driver.

Pagsapit sa nabanggit na lugar ay hinarang sila ng tatlong motorsiklo. Sapilitang binuksan ng mga suspek ang pintuan ng kotse kung saan nakasakay ang biktima at pinagtulungang saktan.

Tiyempong nagpapatrulya sina Caslangen at nakita ang komosyon kaya inaresto ang mga suspek. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Estudyante kinuyog ng 5 first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments