Ipinagpaliban ang nakatakda sanang paglulunsad ng Department of Health (DOH) ng `PinasLakas Bakunahang Bayan’ kontra COVID-19 sa Luzon ngayong Lunes, Setyembre 26, dahil sa super typhoon Karding.
“Due to inclement weather brought about by super typhoon Karding, the PinasLakas Bakunahang Bayan launch scheduled tomorrow, Sept. 26, 2022, is hereby suspended in the National Capital Region and the rest of Luzon, indefinitely,” saad sa memorandum ng DOH na inilabas nitong Linggo.
Nilinaw naman ng DOH na maaaring ituloy ang paglulunsad ng `PinasLakas Bakunahang Bayan’ sa ibang rehiyon na hindi sakop ng inilabas na memorandum subalit depende umano sa kapasyahan ng kaukulang executive committee at mga regional director.
Puntirya ng DOH na makapagturok ng unang booster shot sa 30 porsiyentong kuwalipikado nang tumanggap nito sa Oktubre 8 o ika-100 araw ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Nabatid na nasa 18.8 milyong Pilipino na ang naturukan ng unang booster shot o 24% ng eligible population hanggang noong Setyembre 20. (Issa Santiago)
The post ‘PinasLakas Bakunahang Bayan’ nabitin first appeared on Abante Tonite.
0 Comments