5 PAF jet fighter sinalubong eroplano ni Marcos

Inihayag ng Philippine Air Force (PAF) na lima sa kanilang South Korean-made FA-50PHs light jet fighter ang nag-escort sa eroplanong sinakyan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. pabalik sa Pilipinas mula sa Estados Unidos, Linggo ng umaga.

Ayon kay Col. Ma. Consuelo Castillo, tagapagsalita ng PAF, ang interception point ay humigit-kumulang 50 nautical miles northwest sa Bolinao, Pangasinan at nakarating ito sa bansa dakong alas-5:30 ng umaga.

“Then the Presidential flight was safely led into national airspace. Actual escort lasted for a few minutes only and most flight time were spent in monitoring of waters and flight proficiency training,” ani Castillo.

Una na ring ineskortehan ng dalawang jet fighter ng PAF ang eroplanong sinakyan ng pangulo hanggang 200 nautical miles sa himpapawid nang lumipad ito patungong New York para dumalo sa 77th United Nations General Assembly noong Setyembre 18. (Dolly Cabreza)

The post 5 PAF jet fighter sinalubong eroplano ni Marcos first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments