Ipinagmalaki ni Philippine National Police Chief Police (PNP) chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. na walang nasawi sa kampanya ng pamahalaan na giyera kontra droga simula Setyembre 1 hanggang 17.
Sa katunayan, umaabot pa aniya sa 1,952 drug offender at high-value suspect ang nadakip ng pulisya sa nasabing panahon.
Sinabi ni Azurin na nalambat ang mga ito sa 1,790 operasyon kontra sa ilegal na droga na nagresulta sa pagkakasabat ng nasa 67.8 kilo ng shabu, 194 kilo ng high-grade marijuana o kush at 701,000 puno ng marijuana na may kabuuang halagang P625.1 milyon.
Idiniin ng PNP chief na hindi naman kailangang may namamatay sa mga operasyon ng PNP kontra iligal na droga.
Nanindigan si Azurin na may sinusunod silang “rule of law” at gagawin nila ang lahat para mahuli, makasuhan at maparusahan ang mga lumabag sa batas. (Kiko Cueto)
The post PNP niyabang zero casualty sa giyera kontra droga first appeared on Abante Tonite.
0 Comments