Lalaban kami hanggang dulo – Vhong counsel

Tiniyak ng abogado ni actor-TV host Vhong Navarro na si Atty. Alma Mallonga na lalaban sila at hindi matetengga sa selda ang kanyang kliyente.

Sa eksklusibong panayam ng Abante online show na ‘Walang Basagan’, iginiit din ng abogada na ang hinaing kaso ni Deniece Cornejo ay sinampa lamang matapos na unang magreklamo ng aktor ng illegal detention sa kampo ng model.

“Hindi natin pinangungunahan kung anong mangyayari sa korte we can only promise na lalaban tayo… Para itong bangungot, hindi magtatagal ito. We will do what we can, we will avail what is there under the law… pinakaimportante at the soonest possible time mabigyan ng bail si Mr. Vhong Navarro,” sambit ni Atty. Mallonga.

Binigyang-diin din ng abogada na ang kampo ni Cornejo ang may mabigat na pasanin ngayon na patunayan ang kanilang akusasyong rape kay Vhong.

“That is part of her defense, all I can say is kung anuman ang motivation niya (Cornejo) the fact is it was a belated complaint… dito sa jurisdiction natin… ‘pag ang babae nagreklamo it is possible from her testimony alone na magkaroon ng conviction. Pero hindi ganun kasimple ‘yun… the complaint must past the test of credibility and consistency…”

Kasabay nito, sinabi ni Atty. Mallonga na mananatili sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI) si Navarro.

Si Navarro ay sumuko sa NBI matapos mag-isyu ng warrant sa kanyang kasong act of lasciviousness na isinampa ni Cornejo kay Taguig MTC Branch 116 Judge Angela Francesca Din.

Sa kasong act of lasciviousness ay may piyansa si Navarro na P36,000.

Una nang ibinasura ng DOJ ang reklamo dahil sa kawalan ng sapat na ebidensiya.

Sa affidavit ni Cornejo inakusahan niya si Navarro na gumahasa sa kanya noong Enero 17 at 22, 2014. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Lalaban kami hanggang dulo – Vhong counsel first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments