STL ng Lucent may permit, iligal bookies binalaan

Pinag-iingat ang publiko sa Small Town Lottery (STL) sa mga iligal na bookies at pinapayuhang tanging sa may mga permit lamang magtiwala.

Kasabay nito ay ang paglilinaw na ang STL ng Lucent Gaming and Entertainment Corporation (LGEC) OPC ang dapat lamang na makapagsagawa ng operasyon sa lungsod ng Quezon dahil pinahintulutan sila ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na magpalaro sa nasabing siyudad.

Ayon sa tumatayong legal counsel ng Lucent, bukod sa PCSO ay mayroon din ang Lucent Gaming ng kaukulang permit mula sa Local Government ng Quezon City na nilagdaan ng bagong General Manager na si Melquades Robles na may petsang September 12, 2022.

Alinsunod sa mga kaukulang batas at mga regulasyon na nauukol sa PCSO, isa lang sa bawat siyudad o bayan ang pinapayagang makapagpalaro ng STL.

Matatandaan na una nang pinag-utos ni Department of Interior and Local Government (DILG) secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos Jr. sa Philippine National Police na hulihin ang lahat ng klase ng illegal bookies sa bansa upang tuluyan nang matigil ang kanilang mga operasyon. (Dolly Cabreza)

The post STL ng Lucent may permit, iligal bookies binalaan first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments