Dalawang heneral sa Philippine National Police (PNP) ang iniimbestigahan matapos ang naganap na pagkakakumpiska ng 990 kilo ng shabu na nagkakahalagang P6.7 bilyon sa Maynila kamakailan, ayon kay Philippine National Police (PNP) chief General Rodolfo Azurin Jr kahapon.
Ayon kay Azurin, nagsasagawa ng masusing imbestigasyon sa umano’y pagkakasangkot ng dalawang opisyal, na hindi muna pinangalanan.
Subalit paliwanag ni Azurin, hindi pa napapatunayang sangkot ang dalawang opisyal dahil wala pa umanong ebidensya na mag-uugnay na mayroon silang kinalaman sa operasyon kung saan nakumpiska ang nasa 990 kilo ng shabu noong Oktubre 8 sa Wealth and Personal Development Lending Inc. sa Sta. Cruz, Manila na pag-aari ni Master Sgt. Rodolfo Mayo, Jr.
Si Mayo ay aktibong Intelligence officer ng ng Philippine Drug Enforcemen Group (PDEG) na naaresto at nakuhanan din ng dalawang kilo ng shabu sa loob ng kanyang kotse ng araw ding iyon.
“They are on a floating status. But this is unfair to them because their names are being dragged into this although there are no sufficient pieces of evidence so far,” pahayag ni Azurin.
Samantala dalawang sarhento naman ang naka-assaign din sa PDEG ang nangupit ng nasa 42 kilo ng shabu na nagkakahalagang P285.6 milyon matapos ang mga itong makuhanan ng CCTV kung saan isang pulis na sadyang hindi muna pinangalanan ang lumabas sa ni-raid na lending agency na may bitbit na dalawang malaking bag at inilagay ito sa isang kotse na pag-aari din ng isang ahente ng PDEG.
Nang ipatawag ni PDEG Director Brig. Narciso Domingo ang nasabing sarhento ay umamin ito at kasalukuyang nasa kanilang posesyon at ang kotse ay kanilang iniwan lang malapit sa Camp Crame. (Edwin Balasa)
The post 2 PNP general sinisilip sa P6.7B shabu raid first appeared on Abante Tonite.
0 Comments