Asukal kakargahan ng SRP bago mag-Nobyembre

Plano ng Department of Agriculture (DA) na maglabas ng suggested retail price (SRP) sa asukal dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng presyo nito sa mga pamilihan.

Ayon kay DA spokesperson Kristine Evangelista, tangka ng ahensya na tapusin ngayong linggo ang paggawa ng SRP, na kanila namang ipapatupad bago ang buwan ng Nobyembre.

“Ang ating objective po ay not only to make the sugar available in the market but also to ensure na tama ang presyo,” wika ni Evangelista.

Dumating na umano ang ilang mga inangkat na asukal sa Pilipinas, at nagsimula na rin ang anihan ng mga magsasaka sa bansa, kaya inaasahan na madadagdagan ang suplay ng asukal sa merkado.

Hindi naman tutol ang grupong United Sugar Producers Federation sa paglalagay ng SRP sa asukal. (Mark Joven Delantar)

The post Asukal kakargahan ng SRP bago mag-Nobyembre first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments