Barbie ‘wawasakin’ sina Dennis, San Jose

NI: ALWIN IGNACIO

Kahit pa nga alam nating lahat na taken na si Dennis Trillo at ang minamahal nito ay si Jennlyn Mercado, marami pa rin ang mausisa sa kung paano ang ‘agawan’ nina Barbie Forteza at Julie Anne San Jose sa Kapuso Drama King?

Ang tatlo ang bida sa Zig Dulay’s “Maria Clara at Ibarra” .

Nakatutuwang isipin na tila magiging panggulo sa matiwasay na relasyon nina Crisostomo (Dennis) at Maria Clara (Julie Anne), ay ang kikay at makulit na Maria Clara na si Barbie.

Napaka-interesante ng mga kaganapan sa Kapuso historical drama seryeng ito kasi nga pambihirang pangyayari na sugalan ang mga katauhan nina Crisostomo Ibarra at Maria Clara, kasama pa ang ibang mga katuhan sa “Noli Me Tangere” .

Mahusay na aktres si Barbie kaya tiyak mamaniin nito ang modern Maria Clara. Eh si Julie Anne kaya, gaano kahusay at katotoo ang pagbibigay buhay sa isang katauhan na may hinhin na tangi at dakilang ganda?

At paano nga kaya ang lambingan nina San Jose at Dennis bilang Maria Clara at Ibarrra sa azotea? Si Barbie kaya ang piping saksi sa kanilang pagmamahalan o siya ang wawasak dito?

O di ba, nakakaintriga talaga kung paano ang agawan nina Barbie Forteza at Julie Anne San Jose kay Dennis Trillo, kahit pa nga pangtelebisyon lamang ang mga kaganapan.

The post Barbie ‘wawasakin’ sina Dennis, San Jose first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments