Nagkaloob na rin ng ayuda ang Archdiocese of Manila sa pamamagitan ng Caritas sa mga mamamayan sa Luzon, Visayas at Mindanao na lubhang apektado ng bagyong Paeng.
Nabatid na nagbigay ng inisyal na kalahating milyong tulong ang Caritas Manila sa Archdiocese of Cotabato para sa mga matinding nasalanta ng bagyo kung saan marami ang nasawi.
Nagpadala rin umano ng P200,000 cash sa Social Action Center ng diocese ng Antique na apektado rin ng baha ang mga bayan ng San Jose de Buenavista, Sibalom, Hamtic, Patnongon, Laua-an, Belison, Bugasong, San Remegio, Tibiao, Valderama, at Tobias Fornier.
Habang nasa P200,000 cash din ang ibinigay ng Caritas Manila sa Archdiocese of Capiz Social Action Center at P200,000 para sa Diocese of Kalibo sa Aklan.
Samantala, para mapalawak pa ang pagtulong, muling kumakatok ang Caritas Manila sa butihing puso ng mga Pilipino na mag-donate sa social arm ng Archdiocese of Manila upang makatulong sa pagbangon ng mga nasalanta ng bagyong `Paeng’. (Juliet de Loza-Cudia)
The post Caritas Manila namudmod ng ayuda sa Luzon, VisMin first appeared on Abante Tonite.
0 Comments