Umabot ng 9,916 mga naghahangad na maging abogado ang sasalang sa Bar exam na gagawin simula sa Nobyembre 9.
Nabatid na mula sa naturang bilang ng mga Bar examinee ay 159 ang umatras sa hindi pa mabatid na dahilan, ayon sa anunsyo ng Supreme Court (SC) nitong Lunes, Oktubre 31.
Base sa unang abiso ng SC, gagawin ang Bar exam sa Nobyembre 9, 13, 16 at 20 kung saan ay magkakaroon ng pagsusulit sa walong subject.
“There were originally 10,075 approved applicants for the Bar exam this year,” sabi ni SC spokesperson Brian Keith Hosaka. “I don’t know the reasons for their withdrawal. I believe a formal notice would have to be sent to the Office of the Bar Confidant.”
Pamumunuan ni Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa ang Bar exam ngayong taon.
Ito ang pangalawang Bar exam na gagamit ng laptop na may secure program ang mga kukuha ng pagsusulit sa halip na ball pen at papel. Gagawin din ito sa magkakaibang lugar.
The post Halos 10K law graduate kukuha ng bar exam sa Nov 9 first appeared on Abante Tonite.
0 Comments