By Rommel Gonzales
Katatapos lamang umere ng Lolong nitong Biyernes nguni’t nakasungkit na agad ito ng parangal mula sa Asian Academy Creative Awards 2022!
Ang nabanggit na most watched television program of 2022 ay pinili bilang National Winner para sa Best VFX/Special Effects sa Asian Academy Creative Awards 2022.
Tulad ng alam nating lahat, lalo na ng mga sumubaybay sa Lolong, na bukod sa dambuhalang animatronic prop na buwayang si Dakila ay mas lalong pinaganda at pinagmukhang makatotohanan ang Lolong dahil ginamitan ito ng computer-generated imagery o CGI.
Ginagamit ito para sa ilang eksena ng mga buwaya, sa pagpapagaling ng sugat ng mga Atubaw (tribo na pinanggalingan ni Lolong) at maging set extension o paglalapat ng visual effects para mas maging maganda at makatotohanan ang mga lugar na nakikisa sa programa.
Ang Lolong ang magsisilbing representative ng Pilipinas para sa nasabing categorya sa Grand Awards and Gala Final ng Asian Academy Creative Awards 2022 ngayong Disyembre.
Samantala, kumpirmadong magkakaroon ng Season 2 ang Lolong lalo pa at natapos ito sa isang cliffhanger kung saan nakitang may isang kamay na tila may balat ng buwaya at matutulis na kuko ang lumitaw mula sa tubig.
The post Lolong kakatapos lamang umere may Award na agad first appeared on Abante Tonite.
0 Comments