by Rommel Gonzales
Nagwagi ang iBilib bilang National Winner for the Best Infotainment Programme sa katatapos lamang na Asian Academy Creative Awards 2022.
Ang iBilib ay isang Kapuso infotainment show na ang host ay si Chris Tiu kasama ang comic duo na Moymoy Palaboy (na binubuo ng magkapatid na James Ronald at Roadfil Macasero).
Nagpapakita ang naturang programa ng iba’t-ibang scientific experiments, scientific facts at mga teoriya base sa mga nagaganap sa ating pang-araw-araw na buhay. May iba-iba rin silang guest host kada Linggo ng umaga na mga Kapuso o Sparkle artists tulad nina Heart Evangelista, Shaira Diaz, Chariz Solomon, Solenn Heusaff, Kyline Alcantara at marami pang iba.
Ang Best Infotainment Programme award ay ipinagkakaloob sa mga programa na nakapagbibigay kaalaman at karunungan sa nakaaaliw na pamamaraan.
Bukod sa iBilib, ang iba pang National winners ay ang The Investigations of Hong Kong Secrets (Hong Kong), My Daughter Joined a Cult (India), Tell You Law (Malaysia), Tik Tok Heroes (Singapore), at 10 Fun Facts About the Golden Horse Awards (Taiwan).
Ang mga napiling National Winners ay makikipagtunggali sa iba pang mga nagwagi mula sa iba pang mga bansa sa kaparehong kategorya na siya namang hihiranging Grand Winner.
May kabuuang labingwalong kategorya ang naturang award-giving body.
Mga eksperto mula sa iba-ibang panig ng mundo ang magsisilbing hurado at iaanunsiyo ang Grand Winner sa Grand Awards and Gala Finals sa December 8 na gaganapin sa Singapore bilang pagdiriwang ng kanilang Singapore Media Festival.
Ang Asian Academy Creative Awards ay itinatag “to serve as a pinnacle of achievement for the creative industries in content creation and media production.”
The post iBilib wagi ng Award sa Abroad first appeared on Abante Tonite.
0 Comments