Ni: Glen P. Sibonga
Pakiramdam ng talent manager na si Ogie Diaz ay nabudol siya dahil nag-aksaya umano siya ng P36k sa nangyaring aberya sa flight changes at cancelation of flights ng Cebu Pacific airlines dulot ng bagyong Paeng.
Inilahad ni Ogie ang panggagalaiti at sama ng loob niya sa kanyang Facebook post kung saan naka-relate siya ni-repost niyang panawagan ng ex-PBB housemate na si Say Alonzo dahil sa naranasang aberya sa Cebu Pacific.
Ayon kasi sa FB post ni Say, “CAN SOMEONE FROM CEBU PACIFIC HELP US? FLIGHT IS CANCELLED BUT THEY ARE NOT GIVING US OPTIONS. They said to REBOOK ONLINE BUT ONLINE, OUR FLIGHT IS STILL ONGOING, they haven’t cancelled it!! WE are now stuck here waiting for our baggage and they said we will get it in 2-3 HOURS! Help!!!”
At saka inilahad ni Ogie ang kanyang saloobin. “Nag-aksaya din kami ng pera sa Cebu Pacific Air. Nag-cancel ang manila-cebu, kaya ang na-rebook namin ay Cebu Dumaguete Cebu. Tapos, ang ending ibabalik nila yung na-cancel na manila-cebu.
“Parang tanga lang, di ba? Hindi mo na maibalik ngayon yung original flight kasi napuno na.
“Tapos, parang utang na loob mo pang tangkilikin ang airline nila at wala kang choice.
“Juice ko, budol!!! Kaya andaming nagrereklamo. Hindi maintindihan ang policy nila sa mga ganitong pagkakataon.
“Pagagastusin ka nang pagagastusin sa flight changes.
Ending: hindi ko na pinalipad ang mag-iina ko, dahil una, nakakatakot ang panahon. Pangalawa, oa din sa paasa ang Cebu pak kung lilipad ba sila o ikakansel nila. At no more rebooking, otherwise, you rebook with high charges!
“At ang pinaka-ending: lumipad na ang 36k! Juice ko, nag-uusap-usap ba ang upper management ng cebu pak?
“Apakahusay, di ba?”
Bukas ang Abante Tonite Online sa panig ng Cebu Pacific kaugnay ng reklamo at insidenteng ito. (GLEN P. SIBONGA)
The post Ogie Diaz nanggagalaiti sa Cebu Pacific dahil sa ‘nabudol’ daw na P36k first appeared on Abante Tonite.
0 Comments