Princess Ann Robles, NU Lady Bulldogs paspas pagsakmal sa UP Lady Maroons

TEAM STANDING

POOL E W L

NU 2 0

UP 1 1

AdMU 1 1

UPHSD 0 2

POOL F W L

DLSU 2 0

UST 1 1

AdU 1 1

FEU 0 2

Niladlad ni National University team captain Princess Ann Robles ang liderato sa pagbitbit sa Lady Bulldogs sa pagwalis sa Unniversity of the Philippines, 25-21, 25-16, 25-20, upang kapitan ang solong liderato sa Pool E ng 1st Shakey’s Super League (SSL) 2022 Collegiate PreSeason Chapionship Linggo ng gabi sa Rizal Meorial Coliseum sa Malate, Manila.

Ibinuhos ni Robles ang anim na attacks sa unang set pa lamang upang agad na kontrolin ng Lady Bulldogs ang mainit na pagsisimula bago na lang hinayaan ang mga baguhang kasamahan sa second-third set na kumpletuhin ang laro para sa pang-apat na sunod nitong panalo sa torneo.

“Ginawa ko lang iyong responsibility ko sa team na ibuhos ang laro at ipinakita ko lang ang pagiging ateko sa mga bagong player para manalo,” sey ni Robles.

Nalasap naman ng Lady Maroons ang unang olats at nahulog sa pangalawang puwesto kapantay ang Ateneo de Manila sa 1-1 win-loss kartada.

Winalis din ng Lady Eagles ang Univeristy of Perpetual Help System Dalta, 25-21, 26-24 at 26-24.( Lito Oredo)

The post Princess Ann Robles, NU Lady Bulldogs paspas pagsakmal sa UP Lady Maroons first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments