Pagasa: Bagyong Obet hahagupit sa mga dinaanan ni `Neneng’

Binigyang babala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang mga lugar na sinalanta ng bagyong `Neneng’ na maging handa sa pagpasok ng panibagong bagyo na inaasahang magdadala ng malakas na ulan ngayong weekend.

Ayon kay Pagasa Deputy Administrator Esperanza Cayanan, apektado ng bagyong Obet ang Batanes, Babuyan Islands, Cagayan, Apayao at Ilocos Norte.

Sa pagtaya ng ahensiya, parehas na lakas ng ulan ang ibabagsak ni `Obet’ sa bagyong Neneng.

Sa weather forecast ng Pagasa, Biyernes ng umaga hanggang Sabado ng umaga magiging maulan sa Babuyan Islands, Ilocos Norte, Apayao, Cagayan, Batanes, Ilocos Sur, Abra at Kalinga.

“Possible flooding or landslides, especially in areas that are prone to these hazards or have experienced significant rainfall due to Neneng,” babala pa ng ahensiya.

Sa track at intensity forecast ng Pagasa, huling namataan ang bagyong Obet sa layong 920 kilometro sa silangan ng dulong bahagi ng Northern Luzon taglay ang lakas ng hangin na 45 kilometer per hour at bugso na 55kph. Kumikilos ito sa bilis na 10kph.

Ayon sa Pagasa, inaasahang lalakas bilang tropical storm si `Obet’ ngayong weekend. (Tina Mendoza)

The post Pagasa: Bagyong Obet hahagupit sa mga dinaanan ni `Neneng’ first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments