NAILIGTAS ang nasa 36 na babae mula sa umano’y human trafficking sa isinagawang operasyon sa isang bayan sa Bulacan.
Sa ulat, ang mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) district office ang nanguna sa pag-rescue sa 25 na mga babaeng biktima sa isang resto grill sa bayan ng Bocaue.
Kabilang sa naaresto ang limang bugaw sa unang establisyimento na target ng operasyon.
Sa imbestigasyon ng NBI-Bulacan, aabot sa P1,000 ang bayad na may kakaibang `alok’ ang establisyimento sa kanilang mga parokyano, kung saan kasama ang drinks at babae.
Sa hiwalay naman na operasyon sa Bocaue, nailigtas rin ang 11 babae mula sa isang spa, na nagbibigay umano ng `extra service’ sa mga kliyente.
Kasama namang nadakip ang dalawang umano’y bugaw.
Kasong paglabag sa Expanded Anti-Trafficiking Act ang kakaharapin ng mga suspek. (Kiko Cueto)
The post 36 bebot nasagip sa human trafficking first appeared on Abante Tonite.
0 Comments