Madalas natin madinig ang salitang stem cells at ito daw ang makabagong technolohiya para sa paggamot ng mga karamdamang matitindi. Kaya daw gamutin ang mga matitinding sakit tulad ng alta presyon, diabetes, sakit sa puso, stroke, at pati na ang kanser. Ano ba talaga ang stem cells at bakit may nakabalot na kontrobersiya dito. May mga pahayag naman na hindi daw ito aprubado ng mga autoridad. Alamin natin kung ano ang stem cells.
Ang katawan natin ay may mga stem cells. Ito ay mga non specialized cells, ibig sabihin wala silang natatanging mga trabaho o function. Ngunit mayroon silang kapasidad na maging specialized cells. Halimbawa nito ay ang mga iba’t ibang klaseng muscles, dugo, utak, at iba pa. Dahil dito, nagkakaroon na sila ng mga katangian at trabaho.
Ang prinsipyo ay kinukuha ang mga ito o i-harvest, at ililipat sa isang taong may sakit upang makatulong sa paggaling. Para makagawa ng panibagong mga cells na kinakailangan. Allogenic ang tawag at kung sakaling sa sariling katawan manggagaling, autologous naman ang tawag. Dito nakabalot ang kontrobersiya at mga ethical issues.
Madami nito ay makikita sa sinapupunan ng nagdadalang tao. Kabilang dito ang placenta, cord blood, at amniotic fluid. Hindi nagkaroon ng pagkakataon na makagawa ng mga studies o trials dahil may kinalaman sa mag sanggol at mga fetus na hindi pa ipinanganganak. Karamihan sa mga pagsusuri ay nagawa sa mga hayop. Ito ang dahilan kaya limitado lamang ang mga lugar na pumapayag sa ganitong uri ng paggamot, tulad sa Germany at Switzerland. Hindi din naman basta basta pwedeng ilipat sa tao ang galing sa hayop. Xenogenic naman ito. Mahirap masabi kung ano ang epekto sa live stem cells na ililipat sa tao.
Dito nagmula ang tuluyang pagsusuri sa mga supplements. Ang placenta, ang syang baga at kidneys ng fetus. Hindi ito humihinga at ang oxygen ay nanggagaling sa ina. Ang mga toxins ay natatanggal dahil sa placenta. Kaya kahit na naggaling sa hayop, ay punong puno ng mga aspeto na anti-oxidative (panlaban sa nasisirang mga cells), anti-inflammatory (panlaban sa pamamaga), anti-melanogenic (proteksyon ng balat), collagen synthesizing (pampatibay ng istruktura at arkitektura ng katawan). Mayroong din mga growth factors, minerals, vitamins, amino acids, pati na ang mga steroid hormones tulad ng estrogen at progesterone. Lalo na ang nangagaling sa usa na halos kapareho na ng sa tao ang komposisyon. Kaya sa katagalan ay may anti-aging effect.
Hindi ito magic na agad agaran mawawala ang karamdaman. Kinakailangan pa din alagaan ng wasto ang katawan nang madevelop ang sarili nating mag stem cells.
Hanggang sa susunod na Martes! Keep healthy! Stay safe! Sundin ang minimum health requirements! Magpabooster!
J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, radio (mapapakinggan sa Kalusugan Kakabilib sa DWIZ882 at IZTV 23 tuwing linggo 11am-12nn at Kapitbahay sa DZEC1062 tuwing huwebes 1pm) at Doc Rylan Facebook Live tuwing sabado 7pm. Sundan sa twitter@rylanflores, gamitin ang hashtag na #docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mga komentaryo at katanungan.
0 Comments