Aprub sa Department of Education (DepEd) ang boluntaryong pagsusuot ng face mask kapag nasa loob ng silid-aralan ang mga mag-aaral base sa executive order na inisyu ng Malakanyang.
Ayon kay DepEd spokesperson Michael Poa, nagpalabas ng amendatory department order ang ahensya na nag-uutos sa mga paaralan na baguhin ang polisiya.
Matatandaang nagpalabas ng Executive Order No. 7 si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gawing optional ang pagsusuot ng face mask habang nasa loob bilang isang paraan ng ‘normalization’.
Inaasahan din na libo-libong paaralan ang magsasagawa ng full in-person classes na magsisimula sa Miyerkoles, kasabay ng pagbibigay ng exemption sa mga naapektuhang paaralan na hindi muna pagpatupad ng face-to-face classes. (Vick Aquino)
The post Face mask hindi obligado sa balik-eskuwela first appeared on Abante Tonite.
0 Comments