Bangkay na nang matagpuan ang isang dalagang senior high school student ng Ateneo de Naga University sa Camarines Sur matapos ang tatlong araw nitong pagkawala.
Kaugnay nito’y isang 18-anyos na pedicab driver naman ang dinampot ng pulisya na sinasabing responsable sa brutal na pagkamatay nito.
Sa panayam nitong Martes kay Camarines Sur Police Provincial Office (PPO) Spokesperson Police Major Maria Victoria Abalaing, alas-tres ng hapon nitong Lunes nang matagpuan ang walang saplot na bangkay ni Irish Mae Payonga, 18, grade 12 senior high school student ng Ateneo De Naga University, sa madamong bahagi ng Zone 3, Jacob St., Barangay Cadlan, Pili, Camarines Sur.
Base sa report na inilabas ng Pili Municipal Police Station, namataan ng dalawang bata ang biktima. Sinumbong nila sa tiyuhin ang nakita at nang magtungo sa lugar ay natunton ang bangkay na tinabunan ng kaunting lupa at sako ng semento. Dahil sa naaagnas na ang katawan nito ay umalingasaw ito at nadiskubre ng bangkay.
Kinumpirma naman ng isa sa tiyahin ng biktima na si Edna Maguigad na pamangkin nito ang sinako. “Corfirming that the body in the sack is my missing niece.”
Ayon kay Major Abalaing, huling nakitang buhay si Payonga, residente ng Camaligan, Camarines Sur, nitong Biyernes, Oktubre 28, na sumakay ng bus upang dumalo sa isang event sa simbahan subalit mula noon ay hindi na ito nakauwi ng bahay.
Dinakip naman ng pulisya ang si Reymark Belleza, padyak driver, taga-Pili, Camarines Sur, na siya umanong responsable sa pamamaslang sa biktima.
Isinailalim ang bangkay sa awtopsiya ng Crime Laboratory ng Camarines Sur PPO upang mabatid kung ginahasa ito bago pinatay. (Edwin Balasa)
The post Missing Atenista sinako, bangkay naagnas na first appeared on Abante Tonite.
0 Comments