Heart, Charlene at Aga nag-bonding sa Paris

Nagkita-kita at nagkaroon ng bonding moment sa Paris, France sina Heart Evangelista at mag-asawang Aga at Charlene Gonzalez-Muhlach!

Nitong Linggo, November 27 ay idinaos ang Le Bal des Debutantes (The Debutantes Ball) na isang invitation-only fashion ball for a charitable cause kung saan dalawampung kabataang babae mula sa iba’t-ibang bansa ang iniimbitahan upang bihisan ng mga sikat na couture houses at ipakilala sa alta-sosyedad.

Ang mga debutantes ay maingat at mabusising pinili na karamihan ay anak ng mga sikat at kilalang personalidad, Hollywood elite, mga may dugong bughaw at mula sa mga prestihiyoso at mayayamang pamilya. Isa si Atasha Muhlach, na anak nina Aga at Charlene, sa mga napiling debutante.

Sa kanyang Instagram account ay nag-post ng larawan si Heart kasama sina Charlene at Aga at ang Philippine Tatler editor-in-chief na si Anton San Diego na dumalo sa naturang event.

“Pinoy pride at the Le Bal des Debutantes 2022…So proud of this young woman for representing the country tonight @atashamuhlach_. Lovely seeing @antonsd and congratulations to the proud parents @itsmecharleneg @agamuhlach317. #lebaldesdebutantes,” ang caption ni Heart sa kanyang IG post.

Nag-reply si Charlene sa post ni Heart ng, “Lovely as ever Heart, nice catching up with you. You are gorgeous inside and out.” (Rommel Gonzales)

The post Heart, Charlene at Aga nag-bonding sa Paris first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments