Imbudo ang Airens: Lee Seung Gi ‘inabuso’ ng agency

Hanggang ngayon, kontrobersiyal ang umano’y pangga-gaslight ng agency na Hook Entertainment sa kanilang prime/top star, ang Triple Threat Star na si Lee Seung Gi. Pinag-uusapan ito hindi lamang sa mga print at online media, maging sa iba’t-ibang TV newscast.

Simula nang lumabas ang request ni Lee Seung Gi ng tranparency ng lahat ng earnings niya bilang isang singer, sa loob ng 18 taon— galit na galit ang mga fan ni Seung Gi sa nasabing agency, Awang-awa sika sa actor/singer/host.

Hindi na ibinigay kay Seung Gi ang umano’y earnings niya for 18 years ng Hook Entertainment. Pinapaniwala pa ito na siya ay isang “minus singer” meaning, hindi nagta-translate ito income ang mga activities niya bilang mang-aawit— that includes 137 songs, 7 full album at iba pa in his 18 years in the business.

Hindi ito matatanggap ng kahit sino na nakakakilala at nakakaalam ng calibre ni
Seung Gi bilang isang singer.

Ayon sa Airens, tawag sa fans ni Seung Gi, “All of Seung Gi’s concerts were held at KSPO Dome, which is one of the largest venues in the country that can hold up to about 15,000 concert-goers. Yet, he always used to say this at his concerts, ‘I would like to thank Hook Entertainment for making my concerts to take place, even though I make ‘minus’ for every concert that I hold. Thank you.'”

Madalas na sa KSPO Dome every year from 2010 until 2013, pero ang mismong agency niya ay pinapaniwala siya na isa siyang ‘minus’ for all his concerts.

Bukod sa limang advertising trucks na may naka-post ng support kay Seung Gi na umiikot sa Seoul, talagang nasaktan ang mga fan sa ginawa ng Hook kay Seung Gi.

Bukod dito, lumabas din na nagpautang si Seung Gi sa Hook Entertainment ng halagang 4.7 billion won noong 2013, without interest. Pero naibalik lang ito sa kanya nitong 2020.

Hindi na nakapagtataka na hindi lamang sa music earnings niya namanipula umano si LSG, baka sa iba pa niyang areas tulad ng acting, variety, hosting at endorsements.

Sa lahat ng ito, lumabas din ang audio recording ng President ng Hook Ent. na siya pang galit kay Seung Gi at nagti-threat na umano’y papatayin daw niya.

Kaya ang #ProtectLeeSeungGiAtAllCost ay nagti-trending.

Sa totoo lang, isang katangian talaga ni Seung Gi ang pagiging sobrang mabait. Pero sana sa pangyayaring ito, matutunan din niyang kumilatis ng dapat niyang pagkatiwalaan.

The post Imbudo ang Airens: Lee Seung Gi ‘inabuso’ ng agency first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments