Hidilyn Diaz pasado sa thesis!

Mukhang matapos sabitan ng gintong medalya sa nakaraang Olympics ay diploma naman ang makakamit ni Hidilyn Diaz!

Nanggaling mismo kay Hidilyn ang good news na naipasa o naidepensa niya ang kanyang thesis; kasalukuyang kumukuha ng kursong Business Management sa De La Salle-College of Saint Benilde ang Olympic weightlifting champion.

Ayon sa Instagram post ni Hidilyn, hindi raw niya akalain na makakaya niyang maipasa ang kanyang thesis dahil marami na raw ang nagsabi sa kanya na mahirap ang kanyang kurso at marami na ang bumagsak, kaya may mga nag-payo na sa kanya na magpalit ng kurso.

Pero ipinagpatuloy raw niya dahil marami na siyang natutunan sa kursong kinuha niya, at ayon pa sa kuwento ni Hidilyn sa kanyang IG account…

“Pasado sa Thesis Defense. 

“Galing @paolameee @darynleopold kasi magaling ang teacher namin since envisca, @rickyvelasco111

“Konting kwento lang:
“Di ko inakala magagawa ko ito kasi naman kakaenrol ko palang sa BM marami na nagsasabi ang hirap ng thesis diyan, maraming bumabagsak sa course na diyan (hirap daw kasi) , magshift kana ng courses at dun ka na sa ibang school na pwede kang makapagtapos ng pag-aaral by 1-2 years pero pinilit kong ipagpatuloy ang pagaaral sa @dls.csb dahil ang dami kong natutunan sa courses at sa mga instructor namin na mga magagaling sa field nila.”

Ang thesis ni Hidilyn ay isang malaking hakbang tungo sa pagtatapos niya ng kanyang college course.

Ni Rommel Gonzales

The post Hidilyn Diaz pasado sa thesis! first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments