Jo Koy, kasali sa Sexiest Men Alive ng People magazine!

Ni Rommel Gonzales

Ikatutuwa at ikaka-proud ng mga Pilipino ang pagkakasali ni Jo Koy bilang isa sa Sexiest Men Alive ng People magazine ngayong 2022!

Sa Instagram account niya ay ibinahagi ng Filipino-American comedian at lead star ng Hollywood film na Easter Sunday ang kanyang katuwaan na mapasali sa taunang listahan ng mga pinakaseksing lalaki sa buong mundo.

Kalakip ng solo niyang larawan ang caption ni Jo Koy sa kanyang IG account na, “Well this just happened. I was named one of @people Magazine’s Sexiest Men Alive in 2022 – Who would’ve known lol”

Ngayong taong ito, pasok sa top ten at kahilera ni Jo Koy (na nasa ikawalong puwesto) sa prestihiyosong listahan ang mga Hollywood male celebrities na sina Chris Evans (nasa unang puwesto), Kendrick Lamar (ikalawang puwesto), George Clooney (ikatlong puwesto), ang atletang si Aaron Judge (ikaapat na puwesto), Robert Pattinson (panlima), Ke Huy Quan (pang-anim), Jack Harlow (pangpito), Diego Luna (pangsiyam,) at Dwayne ‘The Rock’ Johnson (ikasampung puwesto).

Isang sikat na stand-up comedian si Jo na naka-base at naninirahan sa Amerika.

The post Jo Koy, kasali sa Sexiest Men Alive ng People magazine! first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments