Julie Anne at Rayver, tapos na ang ligawan, magkarelasyon na

Dumagundong ang loob ng Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila kagabi dahil kina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz.

Paano naman kasi, sa gitna ng kanilang JulieVerse concert ay sinabihan ni Rayver ng “I Love you” si Julie Anne, na sinagot naman rin ni Julie Anne ng “I love you”, dahilan upang mayanig ang venue sa lakas ng tilian ng mga kinilig na fans ng dalawa.

Matagal na nilang hinihintay ang pagkakataong ito, lagi kasing sinasabi ng dalawa na nasa ligawan stage pa lamang sila, pero ngayon, matapos nilang ihayag ang pagmamahal sa isa’t—isa ay maaari na ngang sabihin na tapos na ang kanilang ligawan dahil sila may relasyon na nga sila. (Rommel Gonzales)

The post Julie Anne at Rayver, tapos na ang ligawan, magkarelasyon na first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments