JulieVerse concert sakses!

Hindi inalintana ng mga supporters at fans nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz ang bagong subvariant ng Omicron na BQ.1 na nakapasok na sa Pilipinas dahil in full force sila sa JulieVerse concert ng bagong magkasintahan kagabi sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila.

Puno ang venue, hanggang sa pinakataas o pinakadulo na section ng Newport Theater ay maraming nakaupo na walang humpay ang sigawan at sayawan sa mga production number ng JulieVer maging ng guests nilang sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara.

Isang rebelasyon si Rayver dahil napakaganda ng singing voice nito, making him a certified concert performer na napakahusay ring sumayaw.

Hindi halatang pinakaunang live concert ito ni Rayver dahil sa husay niyang mag-perform, mapakanta man o mapasayaw.

Mukhang nakatagpo ang GMA at Sparkle ng bagong isasabak nila sa mga live concert events sa katauhan ni Rayver.

Si Julie Anne naman, well given na naman ang pagiging all-around performer niya kaya nga siya ang may hawak ng titulong Asia’s Limitless Star.

Samantala, going back sa bagong subvariant ng Omicron, pagsisiguro naman ng Department Of Health, nananatiling mababa ang severe at critical cases at maging ang bilang ng mga namamatay. (Rommel Gonzales)

The post JulieVerse concert sakses! first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments