Paplantsahin umano ng Kamara ang mga pagbabago sa batas na kailangan upang mas dumami ang dayuhan na namumuhunan sa bansa.
Ito ang sinabi si Speaker Ferdinand Martin Romualdez matapos humarap sa mga negosyante sa Cambodia kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
“We would study needed refinements in our laws, regulations, and government policies so as to further attract foreign investments and create more jobs for Filipinos,” sabi ni Romualdez.
Naniniwala si Romualdez na unti-unti ng nagbubunga ang mga pagsusumikap ni Pangulong Marcos sa pag-imbita sa mga dayuhang mamumuhunan matapos makapagtala ng pagtaas na 7.6% sa gross domestic product (GDP) ng bansa sa ikatlong quarter ng taon.
Sinabi ni Romualdez na saksi siya sa pagpupursige ng pangulo upang dumami ang mamumuhunan sa bansa.
“Truly our mindset is now in the endemic phase in terms of our economic strategy. The House of Representatives will follow through with this emerging policy so we may build on this economic growth. The Chief Executive has indeed shown us the right direction,” dagdag pa ni Romualdez. (Billy Begas)
The post Kongreso tutukuran mga batas para sa foreign investor first appeared on Abante Tonite.
0 Comments