Ex-PNP chief Cascolan lalayas sa DOH `pag pumalpak

Tiniyak ni dating Philippine National Police (PNP) chief Camilo Cascolan na siya na mismo ang magbibitiw sa kanyang bagong tungkulin bilang undersecretary ng Department of Health (DOH) kapag hindi naging maayos ang trabaho niya sa ahensiya.

“Just observe me. If I’m not good, if I don’t do well, I’ll be the first to get out. Everybody needs to be given a chance,” apela ni Cascolan sa mga kritiko niya.

Una nang nagpahayag ng pagtutol sa pagkakatalaga ni Cascolan sa DOH ang

Alliance of Health Workers (AHW) at si ACT Teachers party-list Rep. France Castro dahil sampal umano ito sa mukha ng mga eksperto na mas kuwalipikado sa posisyon.

Samantala, sinabi ni Cascolan na magpopokus siya ng trabaho bilang DOH undersecretary sa Visayas Region.

Ang kanya umanong kahusayan sa logisticsd, paghawak ng mga tao, at professional experience sa loob ng 38 taon ang magiging gabay niya sa bagong tungkulin. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Ex-PNP chief Cascolan lalayas sa DOH `pag pumalpak first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments