William Navarro pinakamaangas sa PBA

Lumakas pa ang tsansa ng NorthPort sa quarterfinals ng 47th Philippine Basketball Association 2022-23 Commissioner’s Cup dahil sa pagpapakitang-gilas ng bagitong si William Navarro.

Pasiklab ang may taas na 6-6 na forward sa pangatlong ragasa ng Batang Pier sa eliminations nitong Linggo, nilagare ang pitong salanta ng Converge, 112-97, sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Nagbaon siya ng mga career-high na 29 points, 17 rebounds at 9 assists rekado pa ang tig-1 steal at block para iakyat ang Michael Romero-franchise sa 6-5 win-loss slate na panlimang puwesto na sa 13-koponang mid-season confgerence.

Kaya kay Navarro iginawad ang Cignal Play-PBA Press Corps Player of the Week para sa Nov. 16-20. Sinundan niya sa weekly citation ang mga naunang nanalong kasangga na sina Arvin Tolentino at Robert Bolick Jr. (Abante TONITE Sports)

The post William Navarro pinakamaangas sa PBA first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments